Thursday, August 28, 2008

Mabuhay Ako

Naniniwala ba kayo sa KARMA?
Sa dinami dami ng ginawa mo sa buhay mo sa tingin mo tama ba yun? may natapakan ka ba, may nasaktan ka ba, o may nagawa ka bang masama sa kapwa mo?

Bakit ganito ang buhay ng tao, may mga bagay na tila baga parang ang hirap intindihin o maintindihan, o sadyang ayaw lang nating intindihin? may mga bagay na mas nakabubuti pang wag na lang nating malaman kase kapag nalaman natin eh masasaktam lang tayo. Parang yung kilala kong sikat na tao sa Pilipinas na Bayani daw yun, sabi ng iba na mabuti na lang na maging kakaunti lang ang nalalaman ng sa gayon ay kaunti lang din ang makakakilala sayo, kaunti lang din ang mga taong pwede mong makalaban, tingnan mo yung bayaning sinasabi ko, napaka raming alam, matalino, simpatiko, gwapo (daw) at higit sa lahat maraming tsiks simbahan at gobyerno ang kalaban yun patay na sya rebulto na lang.

Katulad ko, inaamin ko, hindi ako matalino. Isa lang akong ordinaryong tao na nangarap na umasenso ang buhay kahit papano. Nagatapos ng kolehiyo sa kursong ginusto ko simula't sapul pero biglang nagbago ang lahat kase nagulat ako sa labanan ng buhay ngayon sa ating bansa. Galing sa pamilyang Pulitika ang kinabubuhay, masaya ako dahil may isang anak at may asawa kahit hindi pa kasal. Kumakain ng talong beses sa isang araw at naka pamimili ng anumang bagay na napagtipunan. Nakatira sa isang bahay na hindi ko maintindihan kung pina pa renta ba o binigay na sa amin, di ko maintindihan. Nasa mundo ako ng Pulitika.. Masarap. Mahirap. At higit sa lahat napakagulo! Hindi mo maintindihan kung naglolokohan lang kayo o nag gagamitan.

Bakit ko nasabi to? Nandito kase ako! parte ako ng sistema ng Pulitika sa aming probinsya, kasangkapan ng pag bubuo ng mga pampulitikang organisasyon para sa patuloy na pagka panalo ng kamag anak kong kandidato. Minsan gusto ko ng magsawa sa ganitong uri ng pamumuhay pero hindi pwede eh, kase dito umaandar ang buhay ng anak at pamilya ko. Hindi pwede kase dito ako kumukuha ng ikinabubuhay naming mag anak pero nakakasawa na! walang ka asensuhan ang buhay sa ganitong trabaho. Minsan maginhawa ang buhay lalo na kapag may project super busy, daming benefits. Pero pag katapos ano? Echapwera ka na kase nagamit na ang mga idea mo, tapos na ang papel mo. Good bye. Ganun ka simple ganun kadali. Tapos eto na naman papatawag ka na naman, tapos ulit na naman, tapos, tapos na naman bye... Bwisit nakakapagod!

Marami pa akong saloobin na gusto kong ipamahagi sa sino mang makababasa sa artikulong ito. Isang uri ng pamumuhay na gusto kong malaman ng sinuman na akala natin ay sa pocket book mababasa at sa pelikula lang mapapanuod. Mga saloobin at mga opinyon na tunay na nangyayari sa buhay ng isang ordinaryong tao na nakapaloob sa isang ekstra ordinaryong uri ng pamumuhay.

Abangan ang mga susunod pang kabanata.....